Okay Lang Ako
"Okay lang ako"
Mga salitang sarili ay niloloko
Sapagkat alam naman natin ang totoo
Tunay na damdamin kailan ma'y di matatago.
Mga luhang pinipigil sa likod ng mga ngiti
Mga pait ng pighati na pilit kinukubli
Mga halakhak na ang katumbas ay mga hikbi
Kailan nga ba mapapagod sa pagkukunwari?
Madadapa ngunit babangon
Mahuhulog ngunit aahon
Mapapagod ngunit lalaban
Magpapatuloy kahit napang hihinaan.
Sisiguraduhin na kapag tinanong ulit ako
Kung handa na ba ang sarili mula sa pagkabigo
Taas noo akong sasagot ng sigurado
At masasabi ko nang tunay na "Okay lang ako".
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment