Saan Ako 'Pag Wala Ka?

Ano ang dulo at simula

Nakikita mo ba
ang sukdulan o ang gitna?

Kapag bumalik ba akong paharap sa 'yo,
may makikita pa ko?
Pag tumakbo ba ako palayo sa 'yo,
hahabulin mo ko?

Saan ako titigil?
Saan ako titingin?
Saan ako pupunta?
Saan ako pag wala ka?

Kapag nawala ang dahilan
kung bakit ako naglalakad,
titigil na ba ko?

O bibili pa ako
ng isang pares ng tsinelas
para pambaon sa paghanap sa 'yo?


0 comments:

About Me

My photo
I am beautifully broken open.

Blog Archive

Total Pageviews

Powered By Blogger