Ikaw
Magtama man ang ating mga mata
hindi kailanman magpapantay ang ating mga balikat
tulad ng mas mahal kita
at kung ito man ang huling bulalakaw na aking makikita
ang aking huling hiling rin ay sana'y makapiling ka
na kung humina man ang apoy ay sabay nating uubusin ang init nito
iindak sa ating huling sayaw, maaliw, mababaliw
at kung ang ating mga kandila ay tuluyan ng matunaw
masaya ako na kahit hanggang sa huling patak nito
walang ibang gugustuhing masilayan
kundi ikaw...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment